Wednesday, October 20, 2010

Angeles University Foundation Medical Center, Doctor's Clinic

a mga oras na ito ay naghihintay upang tawagin ang aking pangalan. Check up ko ngayon sa isang Cardiologist sa kadalinang ako nakakaramdam ng paninikip ng dibdib. Bakit ganyan ang ibang tao?

Dumating ako dito pangatlo ako, ng magpapalista na pang-pito nako. Dahil ba ako ay naka unipormeng puti? Kaya nila ako di pinapansin? Isang babaeng mukhang mayaman, arogante at walang iniisip na iba ang nakakuha ng aking atensyon. Alam ko pasyente siya, hindi ba din niya alam na ako’y isang pasyente sa mga oras na ito?

Bakit kelangan niyang makipag unahan? Me nararamdaman naba siyang kakaiba sa mga oras na ito? Ako oo, galing ako sa duty ng graveyard at eto ako naghihintay tapos sumasakit pa dibdib ko [tapos ng ang unang pasyente].

Ang pangalan ng Doktor na aking kokonsultahin ay si Gabriel Jocson, M.D. Espesyalista sa puso dito sa Ospital kung san ako ay nagtatrabaho. At siya din ang humahawak sa pasyente ko na kakagaling lang maoperahan sa bato [post Kindey Transplant].

Alam ko madaming dahilan ang pagkakasakit ng aking dibdib. Hindi lang dahil sa puso pwede ding dahil sa ibang parte ng aking katawan. Ako ay nagpa-ECG [Electrocardiogram] kaninang nasa duty ako. Pinabasa ko ito sa isang Residente at sabi niya ay NSR [Nornal Sinus Rhythm] naman daw. Pero nakita din siyang kakaiba sabi niya sakin unspecific daw.

So maghihintay muna ako ng resulta bago ko ito i-post. Sana ay maganda ang balita na aking matangap mula ke Doc. Sa totoo lang ako’y kinakaban na kagabi pa. Dahil minsan sa pagkakasakit lang dibdib ay pwede na itong ikamatay ng marami.

Alam ko din ang pwedeng maging sanhi nito sadyang matigas lang ang aking ulo. Pero sana po wag lang ako mabigyan ng masamang resulta baka ito maging dahilan ng aking depresyon.
[Tapos na ang pangalawang pasyente]

At iyon tinawag ang aking pangalan para ako’y kunan ng impormasyong demograpiya. At akalain mo nga naman ang pagkakataon. Ang sekretarya ni Doc ay malapit lang kung saan kame nakatira. Kwentuhan ng konti tinanong kung sang angkan ako nanggaling.
[Ang pangatlong pasyente tapos nadin kasama ang pang-apat]

At nakatabi kopa yung babaeng aking nabanggit kanina. Inglesara, angas ng dating, ganyan kung makatingin. Hindi ako masamang tao, sinasabi ko lang aking obserbasyon tungkol sa aking napupuna sa panlabas ng anyo at pag-uugali.

At may biglang sumingit after ng pang-limang pasyente. Naku, pag minamalas ka nga naman. Dahil ang kasama nung isang pasyente ay sekretarya ng isang klinika dito kaya siguro ito nakasingit. At biglang pumasok yung babae kanina, mukhang nagreklamo oh kung anuman. Makapasok nga, at ng ako’y di masingitan.

Tapos na yung mga nakisingit. At nasa loob na yung babae. Ako na ang susunot nito, kinakabahan ako sa totoo lang. Dahil baka dahil sa katigasan ng ulo ano pa ang nakuha kong sakit. Sana wala naman po.

Oh yun tapos na, mali yung ecg saken kanina ang interpretasyon ng ECG ai Myocardial Infarction. Inulit ni Doc ang ECG ko at ayun okay naman daw. Unang reaksyon niya ‘tang ina’. At kinabahan ako ng bonggang bongga ke Doc! At iyon, hindi ako pinagbayad ni Doc. Ambait talaga niya. Salamat po sa lahat! XD

No comments:

Post a Comment