Saturday, September 18, 2010

I think I have a gym-built body. But, until now I still keep thinking! LOL.

ambisyoso talaga ako. HAHA. dito lang naman ako masaya eh. sa mga pangarap na binibigay ng pagkakataon. dahil ito ay walang anumang kabayaran. mangangarap ako at mangangarap ako kahit kelan ko gusto. try mo! ang saya lang. pero minsan nakakalungkot din ang sobrang mangarap. minsan hindi natin alam kung magkakatotoo ito o mananatili itong pangarap na panghabang buhay. ika nga ni Anne Curtis sa isang pelikula niya ‘No expectations, No disappointments’. dahil ang salitang ito hindi lamang siya sa pag-ibig pwede gamitin. magagamit ito sa mga ibang tulad nga ng nasabi ko. the more we expect, the more the chances of getting hurt [uy ha! ako nato. siryowsow! XD] sa panahong ito madalang nalang ikaw ay makakakita ng isang taong kontentado sa kanyang buhay. ako sa totoo lang? sasabihin kong hindi pako kontento kung ano man meron akong ngayon. dahil alam ko sa loob ko hindi kopa naranasan ang kasiyahang inaasam-asam ko simula nung bata pako. eh ano nga banaman ang magpapasaya saken? hindi mawawala ang material things kung tawagin, kaibigan kahit madami nakong kaibigan gusto ko tuloy-tuloy padin ang pagdami nila spontaneous parang flow of water hanggang ako’y nabubuhay sa mundo ito hindi ko pwedeng isara ang puso sa mga bagong taong darating sa buhay ko, KR-ka relasyon [oha! haha. gumaganon pa. emohan nanaman] sabi nga ni Popoy kay Chino sa One More Chance]

‘Baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi baka meron bagong darating na mas ok, na mas mamahalin tayo ung taong di tayo SASAKTAN at PAASAHIN, yung nag iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin, ng lahat ng mali sa buhay mo.’

[ilang beses kona nga ba pinanuod ang OMC… 15+ na ata. LOL]

at minsan dadating sa hangganan o kung saan ang kaya ng ating puso o utak. hindi natin pwedeng ipilit ang mga bagay-bagay lalo na’t kung hindi ito para satin. baka lalo lang tayo masaktan kahat ng malakim kahit anong isiksik mo man sa maliit na butas. hindi natin maiiwasan ang masaktan; emosyal man o sa pisikal.

oh sandali nga lang! at bakit napunta sa ganyan ang nasulat ko? HAHA. ang adik lang talaga. parang hindi bagay ang title. well actually hindi naman iyan title kumbaga yun ang unang sentence at kasunod yung sa baba. pero hindi ko mawari bakit naging ganyan ito. pasensya naman. wala nako maisip na title eh.

No comments:

Post a Comment